KKPP Movie Flash

 

Home
Up

 

horizontal rule

Movie Flash Magazine, May 1, 2003 Issue

Katawang Kano, Pusong Pinoy

Si Larry Marshall, (kilala bilang “Katawang Kano, Pusong Pinoy”) na isa sa pinakabagong recording artist ng Viva Records ay isang purong Amerikano na nagdesisyong iwanan ang bansang kinalakihan upang dito ipagpatuloy ang kanyang propesyon sa pagkanta.

Natutunan niyang magtagalog sa pamamagitan ng sariling sikap. Pati na ang ating heograpiya, tradisyon at paniniwala ay kaniya ring pinag-aralan. Naging hamon sa kaniya ang kanyang hilig sa musika upang maibahagi ang kanyang talento sa pamamagitan ng pag-awit sa Tagalog.

Hindi naman siya nabigo sapagkat buong puso siyang tinangkilik ng mga kakabayan nating Pinoy sa Chicago at California. Sa loob ng sampung taon, nakilala siya bilang isang mahusay na singer doon. Katunayan, nakasama na niya sina Jose Mari Chan, Hajji Alejandro, Carol Banawa, Jun Polistico, Nonoy Zuniga at Jocelyn Enriquez. Hindi matatawaran ang kasiyahang naibigay niya sa mga Pinoy audience dahil sa tuwina’y Tagalog ang kanyang kinakanta.

Ang kanyang album na pinamagatang “Ikaw Ang Dahilan” ay naipalabas sa States ng KKPP Productions Inc. noong May 2002. Dahil sa taglay niyang husay at karisma, pagdating niya ng Pilipinas, agad siyang binigyan ng pagkakataon ng Viva Records. Inilabas ang kanyang album dito noong Pebrero 2003 na naglalaman ng labindalawang Tagalog songs na sinulat ng mga magagaling na kompositor na sina Vehnee Saturno at Jimmy Borja.

Matatas din magsalita ng Tagalog si Larry na animo’y dito lumaki at nagkaisip gayung purong Amerikano siya. Hindi naman iyon maitatatwa ng kanyang pisikal na anyo. 6’2” ang taas, katawang halatang alaga sa ehersisyo, blonde ang buhok, at asul ang kanyang mga mata.

Si Larry ay nasa pangangalaga ngayon ni June Torrejon Rufino na siya ring manager nina Assunta de Rossi, Edu Manzano, Joel Torre at ng boy band na Jeremiah.

Masarap isipin na may isang Larry Marshall na hindi nangingiming ihayag at ipakita sa lahat na mahal niya ang Pilipinas. “Pakiramdam ko Pilipino talaga ako”, masayang pahayag ni Larry. Sa kanyang ngiti at ningning ng kanyang asul na mga mata, parang ipinapaalala niya sa ating lahat kung gaano kasarap maging isang tunay na Pilipino sa isip at puso.

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol kay Larry, kailangan lang bisitahin ang kanyang website sa: www.kkpponline.com.

 

horizontal rule

Home | People Asia | FHM Philippines | Woman Today | S Magazine | MOD Magazine | Movie Flash | Philippine Inquirer | Manila Bulletin | Malaya | Philippine Star

Send mail to webm...@kkpponline.com with questions or comments about this web site. Copyright © 2008 KKPP Productions.  "KKPP" ™ and "Katawang Kano, Pusong Pinoy" ™ are registered Trade Marks.  All rights reserved.

Larry Marshall    |    RSS    |    Sitemap    |   

MAS 90    |    MAS90    |    MAS 200    |    MAS200   |    MAS 90 Reseller   |    MAS90 Reseller   |    MTSI Blog   |   

MAS 90 Partner   |    MAS90 Partner   |    MAS 200 Partner   |    MAS200 Partner   |    MAS 200 Reseller   |   

MAS200 Reseller   |    MAS 90 Support   |    MAS90 Support   |    MAS 200 Support   |    MAS200 Support   |   

MAS 90 Training   |    MAS90 Training   |    MAS 200 Training   |    MAS200 Support   |   

This page was last updated 07/01/08

Privacy Policy    Terms Of Use